photo credits: http://www.google.com.ph/imgres?q=jesus&um=1&hl=en&biw=1024&bih=604&tbm=isch&tbnid=UZO8nZmYQS00uM:&imgrefurl=http://www.myspace.com/oronapatty&docid=9PlXc2CpvpR8tM&w=420&h=418&ei=tw1BTpWfAomNmQX52a3DCQ&zoom=1&iact=hc&vpx=295&vpy=183&dur=2427&hovh=224&hovw=225&tx=88&ty=241&page=7&tbnh=138&tbnw=141&start=102&ndsp=16&ved=1t:429,r:1,s:102
Isang gabi ako'y naglalakad sa gubat
Upang tuklasin ang nasabing alamat
Tanyag na kwento ng mga matatanda
Na'pag nahanap, problema'y mawawala
At isang gabing lahat ay nakaidlip
Lumabas ako't gasera'y aking bitbit
Ano nga ba ang tadhanang naghihintay
Sa minsang masaya't malungkot na buhay?
Naglakad pa ako't ako'y pumaroon
Mula takipsimlim hanggang dapithapon
Doon napagtanto na ako'y pagod na
Sa pagtuklas sa pampawi ng problema
Nang mapahandusay sa mabatong daan
May kamay at pasan ko'y biglanmg gumaan
Sinabi niya: "Pumarito ka, aking anak."
Siya na ba ang aking hinahanap-hanap?
Sumama ako ng walang alinlangan
Kahit pagod na sa kalalakad sa daan
Pagod sa mga kasawian ng buhay
Kailan ang buhay magiging makulay?
Ngunit teka, ako ba ay lumulutang?
Natanto kong si "Bro" pala'y ako'y pasan
Upang tuklasin ang nasabing alamat
Tanyag na kwento ng mga matatanda
Na'pag nahanap, problema'y mawawala
At isang gabing lahat ay nakaidlip
Lumabas ako't gasera'y aking bitbit
Ano nga ba ang tadhanang naghihintay
Sa minsang masaya't malungkot na buhay?
Naglakad pa ako't ako'y pumaroon
Mula takipsimlim hanggang dapithapon
Doon napagtanto na ako'y pagod na
Sa pagtuklas sa pampawi ng problema
Nang mapahandusay sa mabatong daan
May kamay at pasan ko'y biglanmg gumaan
Sinabi niya: "Pumarito ka, aking anak."
Siya na ba ang aking hinahanap-hanap?
Sumama ako ng walang alinlangan
Kahit pagod na sa kalalakad sa daan
Pagod sa mga kasawian ng buhay
Kailan ang buhay magiging makulay?
Ngunit teka, ako ba ay lumulutang?
Natanto kong si "Bro" pala'y ako'y pasan
Sa pananalig ako ay mabubuhay
Marapat na ang Diyos mabigyan ng pugay!
No comments:
Post a Comment